Tuesday, October 2, 2012

Cyber Crime Law




Since ngayon ko lang nalaman na naipasa na yung CyberCrime Law, syempre may say ako dun.
This may look lazy kasi hindi ko inexplain yung point ko, pero tama kayo guys. Nasabi niyo na lahat eh. May mga nabasa din ako na as in super tumpak. Rereplayan ko sana ng “Tama! Amen!”, eh nahiya ako kaya ni-like ko nalang. 
Anyway,
Dapat kasi pinagisipan talaga nila ‘to ng mabuti. Hindi lang yung basta may maipasa na batas. Hindi yung sila lang makikinabang. Pati yung mga consequences na madudulot nito. Sa pagkadami dami ng problema sa bansa natin ngayon, yan pa yung inuna. 
Siguro yung iba satin nagmumura na, nagwala, naglalabas ng sama ng loob tulad ko, (ang OA lang pero maypagkatama)pero pabayaan natin sila. Tignan lang natin kung ano na mangyayari ngayon. Let them. Tama sila, diba? Tsaka kahit anong paliwanag natin, hindi sila makikinig. Sa huli sino bang masusunod? Sila. Sino ba yung mag-gigiit ng gusto nila? Sila. Pabayaan natin. Ginusto nila yan eh.
Di nila alam kung ano yung sinimulan nila. Siguraduhin lang nila na hindi ‘to magsisimula ng World War III. Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makanuod ng UAAP ng live. Parang awa niyo na. ( exagge?:)) )
Pagdasal nalang natin ‘to. Best weapon ever. :>
(Hindi naman na wala akong pake sa ganito, nakakapagod na kasi. Merong mas importante bagay na kailangang isipin kaysa dito. Even though na may pagka importante din ‘to. Pero alam niyo yun. Nakakapagod na lang talaga. Magdadasal nalang ako.)


No comments:

Post a Comment